Sunday, November 8, 2009

Berso sa Garahe Bar

May katawan ka at mukha. Ma-appeal ka sa bi at gay. Katunayan napapalingon sila kapag ikaw ay naka body fit. Ngunit ang taong gusto mo ay hindi mo makuha. Sabi mo gusto mo sya. Lahat ng paraan ginawa mo para makuha sya. Dahil dito’y umibig ka sa kanya.

Pag-ibig nga ba yun o na cha-challenge ka lang? Once na matikman mo na sya… mahal mo pa ba sya? Bakit sabi mo sa unang pag-ibig mahal mo sya? Ngunit nang magsawa ka sa kanya’y nabaling ang tingin mo sa iba. Hindi lang isang beses ngunit maraming beses kang umibig. Paulit-ulit.
---------------------
Sinaktan ka nya at ngayo’y natuto kang manakit ng iba. Akala mo kasi’y malilimot mo sya kapag pumatol ka sa iba. Hindi mo man sadya ngunit kailangan mong isugal ang damdamin mo sa iba. Kailangan mong maglaro para sumigla ang matamlay mong puso.
Kung kani-kanino ka pumatol, hanggang nagising ka sa isang umagang mahal mo pala ang taong nanakit sa yo.

Muli kang nagalit sa mundo. Hindi mo ba inisip na yung mga taong pumatol sa yo, umaasa ring mamahalin mo? Good karma man o bad karma. Lahat tayo QUITS lang dito.
---------------------
Naiinggit ka dahil may mga relasyong tumatagal ng limang taon. Akala mo ba madali yun? Sakripisyo at pananalig kay “Bro” ang dahilan kung bakit matibay pa rin sila hanggang ngayon. Bagyo at tornado ang nalampasan nila kung bakit hanggang ngayon buo sila.

Wag kang mainggit sa mga tulad nila kung sa “ulan” nga lang at konting hangin, bumibitaw ka na.
---------------------

23 comments:

<*period*>; said...

@pilyo..oo, nababasa niya..sa katunayan, ang kaniyang mga komento ay ipinapadala niya sa akin sa pamamagitan ng facebook o kaya email (dati through text)..ang totoo niyan, kaya ko tinapos na ang kuya chronicles kasi tinatanong niya bakit hanggang ngayon, wala pa akong update..at para matigil na rin ang pambuburaot ng iba na iniisip kung sinong blogger si kuya

about naman sa post mo, be strong, lahat naman tayo naghahangad ng masayang lovelife.nagkataon lang na hindi pa natin makita ang nakalaan sa atin..at oo, nakakainggit makakita ng mga couple na masaya.sigh.

anteros' dominion said...

naniniwala akong hindi sapat na dahilan upang mapagod sa paghahangad ng magandang kinabukasan ang mga bagay na nagdulot ng pananakit sa ating damdamin.

hindi lahat ng nakakasalubong natin ay magkakatulad.

nagkataon lang siguro na yaong iyong nakasalumuha ay yaong hindi nakalaan para sa iyo.

gayunman, kaisa mo ako sa kalungkutan habang nagmamasid ng ibang masasayang magkakadaupang palad

<*period*>; said...

pilyo, puwede naman kitang ipakilala sa kaniya, yun nga lang, hindi kasi kita kilala.

hindi naman sa sinasabi kong masama kang tao, pero hindi ko naman kayang gawin kay kuya marvs yung ginawa ng isang taong inakala ko ay aking kaibigan--ang magreto ng isang taong hindi ko naman kilala

siguro in time, kapag nagkakilala na tayo, maipakilala kita sa kaniya

PILYO said...

Period: single ba si kuya marvs mo? pag pinakilala mo ba ko sa kanya, posible bang maging kami?

hahahahahahahahahahahaha.

(roll eyes na naman ang mga engkanto !!!)

whew !!!!

MkSurf8 said...

sinaktan ako ng una kong bf. kaya after nun para akong isang nakawalang sibat. kung kani kanino nanunusok at nanakit. pero napagod din ako. buti na lang dumating sya.

hay anuveh! keri lang teh! ..... kung meron, meron, kung wala, wala. choz!

o sya marami pa bang berso sa bar na yan? o kampai na lang?

<*period*>; said...

erick_frago@yahoo.com...
yan po ang email ko.

pwede bang sa email ko na lang sagutin yung tanong mo?!

ahmm,, medyo takot kasi ako sa mga tao sa paligid mo.

baka kasi maintriga ako.

mas maganda yata na anumang pagpapalitan natin ng mensahe ukol dito ay sa atin na lang dalawa

john stanley said...

hay naku, pag-ibig nga naman. para wala ng talu-talo, let us all turn straight! hahaha!

xtian1978ii said...

:( emo mode ako

marhk said...

life is short and simple....don't make it complicated.....intrigued?!!

PILYO said...

anteros: yup masayang tingnan ang dalawang nilalang more than 5 yrs na magkasama pa.

xtian: masyado bang straightforward ang pagkakasulat ko?> hehehe

john stanley: matagal na akong straight..... (ang hair) pero ngayon may splits end na hahahahah.

mudra superyora: IDOL ka namin pagdating sa serious relationship noh !!! sana kahit may CLIMATE CHANGE, kayo pa rin ni Lady Gagah. (Pakiss nga kay G? hehehehe)

papa mahrk: nde ka makaka-relate dito kasi iba ang mundo mo.... (intrigued?)

PILYO said...

Period: Takot ka sa taong nakapaligid sa kin? Dont worry mababait ang mga enkanto, nangungulam lang naman sila hahahah.

Basta i-kiss mo na lang ako kay kuya marvs mo ha?

<*period*>; said...

nagpadala ng mensahe si kuya marvs sa aking facebook account.

natawa daw siya sa mga comment mo

hindi mo naman kasi maiaalis sa akin na hindi matakot sa inyo

hindi ko naman kasi kayo kilala

at medyo ahmm, brutal, yung ibang nababasa ko sa blog ninyo

hehehe

alimuom.atbp said...

saan yung garahe? joke!

baka naman kasi we were so engrossed in finding new love for ourselves that we forget to love our own.

cheers!
red

PILYO said...

Period: Brutal nga ba? susmaryosep naman. di naman kami nagsasaksakan dito, orgy pa siguro jowk. Wala naman samin ditong nanununtok, nangungurot meron hehehe.

mababait ang mga friends ko dito, sina joms, fox, lukayo, jc, trench, mahrk, popoy, dingdong, maxwell at stonedgym: mga bloggers sila na kainuman ko sa timog.

So far hindi pa naman kami nagsuntukan at nagsaksakan, kaya di pa naman kami brutal heheheh...

So natawa pala si Kuya Marvs mo sa comment ko? Eh yung kiss ko sa kanya? naipaabot mo ba?

Galen said...

hindi naman sa sinasabi kong masama kang tao, pero hindi ko naman kayang gawin kay kuya marvs yung ginawa ng isang taong inakala ko ay aking kaibigan--ang magreto ng isang taong hindi ko naman kilala

Sana naman ay hindi ako yung taong pinapatamaan mo dito.

PILYO said...

ay papa joms !!! relax! for sure nde ka ang pinatatamaan dito.

whew! nabasa ko rin comment mo kay maxwell, Ok ka lang papa joms? may regla? hahahahaha.

Lika nga sa parlor ko, massage kita hehehe.

<*period*>; said...

pilyo: masyado lang brutal yung nababasa ko sa blog ng engkantos. i dont even belong sa mga laman lupa.

isa lang akong mortal

joms, hindi ko alam bakit ka nag-react, hindi ikaw ang pinatatamaan ko dito

Galen said...

Shempre bunso natin si Maxwell eh. Yung mga ganun eh dapat pinoprotektahan.

<*period*>; said...

hindi mo na kailangan pang idaan sa akin ang nais mong iparating sa aking kaibigan

nabasa na siguro niya iyon

PILYO said...

period: anong klaseng pagka brutal ba ang nababasa mo sa mga engkanto?

ang pag gamit ng magic wand ni alitaptap? ang pag kumpas ng mga diwata hudyat para lipulin ang mga masasamang elemento? Ang galit ng dyosa ng kalikasan sa mga mapang abusong tao?

ganun ba ang pagkabrutal ? hmmmmm. cguro tama ka.

pero in reality trip lang namin ang kwentuhan magdamagan, magkulitan at maglambingan habang may san mig light na inu-unti unting ubusin hehehehe.

Balik tayo kay Kuya Marvs mo: pakibigay ulet tong kiss ko sa kanya: MWAHHHHHHHHHHHH !

<*period*>; said...
This post has been removed by the author.
<*period*>; said...

iwas gulo na lang ako raindarwin. sabi nga ng mga beaconera, world peace!

gustuhin ko mang ibigay ang iyong ipinaaabot, sa tingin ko ay mas makabubuting ikaw na lang ang magpaabot niyan

mabuti ang kalooban ng aking kaibigan, tiyak kong hindi naman niya ikaiinis ang mga ganiyang biro

sa katunayan, mabait yung tao.masayahin. at friendly. mas makulit pa yun sa akin.

wanderingcommuter said...

pagkatapos ng sex mahal mo pa ba siya? gusto ko itong linya na ito! wala lang! hahaha!

Post a Comment