TREND
90’s nang magsulputan ang encoding companies. Mga pinoy ang ginawang typist ng mga western ng kanilang books/encyclopedias at maging transaction receipts. Pinapadala ito through satellite. Ito ang katumbas ng call center ngayon. Kung noon pabilisan sa pag-type, ngayon naman pagalingan ng accent. Noon pa man uso na ang BPO o business process outsourcing. Sa pag-boom ng global market, nagsulputan na ang mga IT solutions at e-commerce dito sa Pilipinas.
2000’s nang magboom ang networking o pyramiding scheme dito sa Pilipinas. Kung noon ay pera ang labanan, ngayon pinasok na ng gamot, household at industrial products ang networking.
Sa pagboom ng internet. Nagsulputan na parang kabute ang internet café’s o computer shop. At unti-unti ring nalugi at nagsara ang ilan dahil sa depreciation cost ng computers.
Nauso rin ang franchising na pinatulan naman ng mga OFWs na karamihan ay hindi nagtagumpay.
2007 nang magsulputan ang spa o massage parlor dito sa manila. Kung noon hindi maganda ang image ng mga masahista, ngayon matuturing na silang professional. Therapist na ang tawag sa kanila.
Nagsulputan na rin ang mga gym ngayon, naiba na rin ang hilig ng ibang mga kabataan. Bar at night club ang malimit puntahan, at sa pagsuot ng body fit nga naman, dapat may katawan ka.
SME
Walang suporta ang Small and medium enterprise kay Gloria. Sa laki ng tax, karamihan tuloy natutong mangupit sa tax declaration. Walang protection sa gobyerno kumbaga kumpara sa large corporations at foreign investors.
Survival of the fittest ang SME. Ang magaling na negosyante ay pinapasok kung ano ang trend. Hindi dapat inilalaan ang lahat ng pera sa isang negosyo. Dahil kung pumalpak ang isa, may pagkukunan ka pa. Tama rin ang sinabi ni Henry Sy. “Concentrate on core business”. Kung saan ka mas kumikita, doon ka mag-concentrate.
INTERNET CAFÉ
Maraming nalinlang ang internet café business. Akala nila dahil sa globalization at pag boom ng internet, boom na rin ang internet café business. 20% percent lang ang nakaka survive ng more than 2 years operation. At ang yung 20% percent na yun ay katapat o katabi ng school.
Bakit nga ba nalulugi ang computer shop o internet cafe? Unang-una mabiis ang deprectiation ng computers. Ang life-span ng pc ay umaabot lang ng 2 years. After that, madalas nang masira at hindi na kaya ang requirement ng mga nagsusulputang new softwares and games. Hindi na na-a-upgrade ang CPU ngayon. Yes, hindi na upgradeable dahil halos every month may sumusulpot na bagong version ng mother board. Kaya’t pag nagpalit ka ng processor, siguradong magpapalit ka rin ng video card at memory. Eh di para ka na ring bumili ng bago.
Ang mga nakaka-survive na computer shops ngayon ay yung mga katabi ng schools. Kasi kumikita sila sa other services tulad ng printing, cd burning, data conversion, file transfer at kung anu-ano pa. Pero kung ang internet café ay aasa lang sa pc rental alone ? Lugi ang negosyo.
FRANCHISING
Wag kayong maniwala sa franchising ng pagkain. Gumawa ako ng studies na kapag nagfranchise ka, ang halos lahat ng kikitain mo ay mapupunta lang sa mall. Sobrang mahal kasi ng renta ng per square meter ng space sa SM. Ang huli kong pinuntahan na pinakamura ay sa SM Harrison Plaza na ang 7 square meters ay 45,000.00. At kung 14 square meters ay 90,000.00. Meaning kailangan mong mag net income everyday ng 3,000.00 para lang may pambayad ka sa rental. Kung pagsasama-samahin mo ang goods mo at operating expenses, siguradong kailangan mo ng net income ng 5K para ka lang maka-survive. Sino ang pinayaman mo? Eh di ang may ari ng mall.
Don’t get me wrong. Meron din naman kasing SM na talagang sobrang dami ng customers at kapag mabenta ang store mo tulad ng shawrma at HK noodles, siguradong click ka.
May mga nag-boom din naman mga sis at bro. Kumbaga depende sa location ng SM.
Ang tanong, may kontak ka ba sa SM? Or malakas ka ba at kakilala na mabbigyan ka ng magandang pwesto? Hello. Siempre ibibigay muna nila sa mga kamag-anak nila or sa sarili nila ang pwesto bago mapunta sa iba no? Kaya ang mga kawawang OFW nagtyatyaga sa hindi mabentang pwesto maisakatuparan lang ang kanilang franchise business. Ayun. Lugi.
Umaapila yata ang Dyosa. Eh di wag ka sa SM mag-put up ng franchise store.
Eh saan naman? Sa Bangketa? Remember, mahal ang franchise fee mo, at at siguradong mahal din ang goods mo. Class C at D ang mga customers na hindi afford ang presyo mo. Pag tinapatan ka ni manong fishball, at manang siopao at banana Q. Kabog ang negosyo mo.
GYM BUSINESS
Uso ngayon ang gym business. Marami nang kabataan ang banidoso. Kumbaga nagsawa na sila sa dota kung kaya’t gym ang inaatupag nila. Again para mag-click ka dapat malapit sa school or dormitories or ubelt. Dapat ok ang amenities mo, may shower room ka na anytime pwede silang mag-wash or magshower. Wag mong itatayo iyon sa basta commercial area or residential area lang. Bakit ? eh kasi papasukin ka lang kapag tapos na ng work or school, most likely 6pm onwards. Unlike sa ubelt, gagawin yun istambayan ng mga estudyante na mamo-motivate mag gym.
EATERY
Wala raw lugi sa pagkain, kasi bago mapanis, ito ay kakainin. Applicable lang ito sa mga pamilyadong tao, na ang kaning daily consumptions ay galing na sa eatery. Kung ikaw ay binata saan mo dadalhin ang mapapanis na pagkain? Good thing kung nakapisan ka sa magulang mo at malaki ang pamilya mo.
Malaki ang cost of sales or cost of goods sold at operating expenses ng pagkain.
Masakit din sa ulo sa dami ng tao mo serbidora. Magaling ka bang magluto? Dapat magaling ka, dahil kapag nagtanan ang cook mo, ikaw ang papalit.
Pero trust me, konti lang ang nagbo-boom sa eatery business. Isipin mo na lang ang mga canteen na kinainan mo nung college ka. Kapag binalikan mo, ganun pa rin sila. Luma na ang mga upuan at table na hindi magawang palitan.
NEGOSYONG PANGKABUHAYAN VS. BIGTIME
Gusto mong maging big time? Yung click kaagad ang business mo as in hahakot ka ng salapi. Wag kang papasok sa mga pangkabuhayan business tulad ng, franchise, internet café, gym, tindahan or eatery. Kasi pangkabuhayan lang sila. Meaning naka-set na ang minimum at maximum na kikitain mo. Halimbawa. Sa gym business: Ang monthly income ko dyan ay ranging from 15K to 25K. Depende sa pasok ng customer. At sa loob ng gym, may required lang na number na customers. Hindi ako pwedeng maghangad ng 50K na income kasi sa negosyong pangkabuhayan… walang himala.
Not unless kung magba-branch out ka. Branch out nang branch out. Hanggang magkaroon ka na ng sampu or more. Medyo bigtime ka na nun pero sobrang masakit yun sa ulo sa dami ng branches mo at tauhan. Goodluck kung makapag-blog ka pa or makapag show sa cam. Jowk heheheh.
Eh ano naman ang bigtime? Pasukin mo ang trading business. Yes trading business (tumaas ang kilay ni lukayo)
TRADING BUSINESS
Dito ang bigtime mga kapatid. If u have the knack for business, try this. Ang kailangan mo lang ay talent sa sales at marketing. Dapat may concrete knowledge ka sa Economics tulad ng supply and demand.
Halimbawa, ikaw ang mag-susupply ng mga industrial products sa isang pabrika. Mag-re-search ka kung ano ang mga kailangan nila at saleable, at ikaw bilang independent supplier, babaan mo ng konti, sulutin mo ang mga bigtime companies na supplier nila. Maglagay ka sa secretaries or mag-under-the-table ka sa manager na nag-aaprub ng mga purchases. Yung isang klasmeyt ko pinasok nya ang plastic, yes sa 2 jolibee outlet sya ang nagsusupply ng plastic. Nasulot nya kumbaga. Plastic lang yun pero bulto-bulto kung mag deliver sya.
Yung isa kong friend na na-bankrupt sa internet café. Ngayon sya ang supplier ng bondpaper at ink ng mga computer shops. Sa trading business, wala kang gagawin kundi mag-research. Dapat magaling ka sa marketing strategy. Pababaan ng presyo at kanya-kanyang diskarte. Kumikita na lang sila sa dami ng volume. Pero come across to think of it, dito mabilis ang turnover at gulong ng pera. Makikita mo kaagad ang cash flows. Perang maliwang kapag na-close mo ang deal.
Maraming nag-click sa bigasan sa Ilocos, vegetable dealership sa Benguet, fish and seafoods dealership sa bicol at south. Sa simpleng pagiging dealer lang ng noodles o pansit, may mga nagclick din tulad ng aking tiyahin.
INVESTMENT
So kung may pera kang 300,00 o sabihn na nating 100,000.00 lang anong gagawin mo? Wag ka munang mag resign sa trabaho mo kapatid. Maghunos dili ka. Pwede mong i-invest sa negosyo ang pera mo without resigning.
Huwag mo syang i-deposit o invest sa stock market or treasury bill. Pang tamad lang na trabaho yan. Or para lang yan sa mga multi-millionaire na ginagawa lang libangan or sugal ang stock market. (Sorry mksurf8, kurutin mo na lang ang ako pag nagkita tau pero, oo pang tamad lang sya hehehee). At possible pang maglaho ang pera mo sa stock market, lalo na ngayong may global financial crisis.
Ilaanmo ang pera mo sa pagbili ng murang commodities na maghihintay ka lang ng ilang buwan, magmamahal na. Binili mo ng sobrang mura...ibebenta mo sya ng sobrang mahal. May shortage na kasi ng supply kaya mahal na ang presyo.
Supply and demand sa economics. Halimbawa may buwang mura ang mga commodities na hindi nabubulok tulad ng: bawang, or sibuyas, asin, asukal at iba pang produkto na makikita mo sa wet and dry market. Bibilhin mo ang mga commodities na to, sa panahong sobra ang supply na ang tendency ay bagsak ang presyo. At idi-dispose mo yun o ibebenta sa buwang mababa ang supply o may shortage na ang tendency ay tumaas ang presyo.
Ang kailangan mo lang ay warehouse o bodega. Kung wala, eh di sa kwarto mo. Why not? Heheheeh. Trust me mga kapatid, 3 to 4 months lang doble ang pera mo o kapag sinuwerte, triple pa.
Eh batong-bato ka na nga sa boss mo kaya gusto mo na talagang mag-resign. Mamili ka ngayon, kung pangkabuhayan ba o trading? Remember sa pangkabuhayan, kelangan mo ng strategic location. Yung tipong isasara mo na ang establismento mo may humahabol pa rin na customer. (hmmm siguro gwapo lang ako kaya may humahabol, chos hahahahahaha).
Kapag pinasok mo ang trading dapat, makapal ang apog mo. Kapag pinaghuhubo ka ng manager para ipurchase ang products mo, dapat huhubo ka hahahahah. Kapag gwapo ka at bading ang contacts hmmmm.. dapat gwapo din yung contacts para 2 birds in one shot diba ? hahahahaha.
Seriously kapag pinasok mo ang negosyo, kelangang malakas ang loob mo. Handa ka sa anu mang mangyayari. Dapat handa ka rin sa atake ng external environment, tulad ng dirty tactics ng competitors at calamaties. Dapat balance ang utak at puso mo. At siempre equipped ka sa managerial tools para sa good decision making at may idea ka sa management, economics marketing at accounting. Marami ngayong nag-nenegosyo na hindi marunong magbasa ng financial statements. Kung kaya’t ang simpleng bookkeeping ay pinapagawa pa sa iba. Hindi naman kailangang bumalik ka sa school para mag-aral ng commerce. Marami ngayong government agencies at NGOs na nagbibigay ng FREE training sa entrepreneurship. Isang click lang sa internet, marami ka nang makukuhang sources.
Disclaimer: viewpoint lang po ito ni pilyo. However to attest his credibility, he has MBA and MSCS units and a surviving/struggling businessman for 5 years.
Now We Are Free | How Far We've Come
17 hours ago